Kinatigan ni Senador Panfilo Lacson ang pagkansela ng Malacañang sa naianunsyong cash gift para sa mga opisyal ng PNP.
Tama lang, aniya, ang naging pasya ng Malacañang dahil mahihirapan ito, maging ang PNP, na bigyang katwiran ang naturang cash gift.
Wala, aniya, silang lusot dahil kung public funds ang pagkukunan ng pondo, kailangan itong iliquidate para hindi makwestyon at hindi idisallow ng Commission on Audit.
Sa kabilang banda, kung private funds naman, aniya, ang pagkukunan ng pondo para sa naturang cash gift, sa Ombudsman naman ang bagsak dahil, tulad ng ibang empleyado ng gobyerno, bawal tumanggap ng regalo ang mga pulis.
Matatandaang inanunsyo ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang cash gift para sa mga police officers na nagkakahalaga ng mula 50,000 hanggang 400,000 Piso pero kinansela raw ito ng palasyo.
By: Avee Devierte / Cely Bueno