Sinimulan na ng Comelec en banc na siyang national board of canvassers ang pag-canvass ng boto para sa senatorial at partylist elections.
Mismong si COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan ang namuno sa canvassing of votes na nagsimula alas-7 kagabi.
Ang mga rehiyong nakapagpadala na ng boto sa COMELEC en banc ay ang Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, 10, 11, 12 at 13.
Ang mga rehiyong natapos na sapag-canvass ng boto ay ang Abra, Kalinga, Apayao, Mt. Province, Benguet, Ifugao at Malabon City.
Sa ngayon, mayroon nang partial at kompletong resulta ang COMELEC mula sa Overseas Absentee Voting (OAV).