Pinapipigil sa Korte Suprema ang pag-canvass sa mga boto ni presumptive president Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. gayundin ang tuluyang pagdeklara rito bilang ika-17 Pangulo ng bansa.
Kasunod na rin ito nang inihaing petition for certiorari kung saan iginigiit ng petitioners ang anila’y material misrepresentations ni Marcos sa kanyang Certificate of Candidacy.
Binigyang diin ng petitioners na sa simula’t-simula ay invalid na ang kandidatura ni Marcos at dapat mapawalang bisa ang mga botong nakuha nito.