Welcome sa kampo ni presumptive president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pag-concede ng kampo ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, hindi nila inaasahan ang pag-concede ng kanilang pinakamahigpit na katunggali sa halalan.
Nagpasalamat naman ang kampo ni BBM kay Robredo at maging kay Manila Mayor Isko Moreno na una na rin nag-concede, dahil sa kanilang pagkilala sa integridad ng election at electoral process.
Dahil hindi na ku-kwestiyunin ni Robredo ang bilangan ng boto, inaasang mas bibilis pa ang proseso ng canvassing.
Tiyak namang dadalo si Marcos sa gagawing proklamasyon na magaganap bukas ng hapon.