Hindi binawi ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Committee ang pag contempt kay Arvin Balag sa kabila nang paghingi nito ng paumanhin at pag aming miyembro siya ng Aegis Juris Fraternity.
Si Balag ay nakakulong na sa basement ng Senado sa tanggapan ng Senate Sergeant at Arms kung saan nakakulong din si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon subalit nakahiwalay ng kuwarto.
Hindi nagustuhan ng komite ang ginawang pagmamatigas ni Balag sa ilang pagkakataong ibinigay sa kaniya para sagutin ang tanong ni Senador Grace Poe kung miyembro at officer ba ito ng Aegis Juris Fraternity.
Uubrang pakawalan ng komite si Balag kapag nakipag tulungan na sa pagdinig sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong ng mga senador.