Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag convert sa mga shipping container bilang mobile health facilities.
Ipinabatid ng DPWH na mayruon na itong design plans para sa 40 feet by 8 feet container vans na maaaring gawing mobile field hospitals.
Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na natapos na ng DPWH-NCR ang pag-convert ng isang shipping container na hinati sa apat na kuwarto, may proper ventilation at toilet and bath na idinisenyo base na rin sa guidelines ng Department of Health (DOH).