Dumidistansya sa plano ng Marcos Administration ang Malacañang na payagang makapag-cover ang mga blogger at vlogger sa mga aktibidad sa palasyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Martin Andanar, ito ay panloob na desisyon ng papasok na administrasyon kaya hindi na sila magkokomento hinggil dito.
Mababatid na tutol ang ilang journalist at maging si Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locson Jr. Sa plano ng papasok na administrasyon na payagang makapag-cover ang bloggers sa mga aktibidad sa malacanang dahil hindi umano journalism ang blogging.
Bukod dito, ang mga journalist ay sinanay at mayroong sinusunod na code of ethics sa journalism at mayroong sistema ng validation para sa makatotohanang impormasyon at pagbabalita.
Samantala, sinabi pa ni Andanar na lahat ng mga tanong at pagtutol sa planong pag-cover ng bloggers sa Malacañang ay ipapaubaya na nila sa mga papasok na opisyal, partikular sa incoming press secretary.