Ipinatigil ng Aklan Regional Trial Court (RTC) ang pagdemolish sa 10 istruktura sa Boracay.
Sa inilabas na Temporary Restraining Order (TRO), pansamantalang ititigil ang paggiba sa Aira Hotel, Ventoso Residences, Freestyle Academy Kitesurfing School, Kite Center at Banana Bay, Wind Riders Inn, Pahuwayan Suites, Boracay Gems, Unit 101 of 7 Stones Boracay Suites, and Lumbung Residences.
Ang mga nasabing istruktura ay nakatayo sa Bulabog beach na nasa Silangang bahagi ng Isla.
Epektibo ang TRO sa loob ng 20 araw simula sa petsa ng pagpapalabas nito maliban na lamang kung maglalabas ang korte ng writ of preliminary injunction.