Sinimulan na ng South Korea ang pag-develop ng mga missile na maaaring gamitin laban sa posibleng nuclear missile attack ng North Korea.
Ayon kay South Korean Army Chief, Gen. Kim Yong-Woo, isinumite na niya ang report para sa annual parliamentary audit ng defense committee ng national assembly.
Layunin anya ng missile development program na wasakin ang weapons of mass destruction ng NoKor at mapababa ang bilang ng casualties.
Kabilang sa idinedevelop ang tactical surface-to-surface missile, Hyunmoo-2 at Hyunmoo-4 missiles na kapwa may kakayahang magdala ng dalawang toneladang nuclear warhead.
—-