Ipinagkaloob sa isang group of companies ang 11 billion dollars na proyekto na magde-develop sa sangley Point International Airport sa Cavite.
Nangunguna sa grupo ang ‘Spia Development Consortium” o Cavitex Holdings Inc. — operators ng Manila-Cavite expressway at House of Investments Inc. ng Yuchengco Group of Companies.
Miyembro rin ng consortium ang Macroasia Corporation ni Lucio Tan, Munich Airport International GMBH at Ove Arup & Partners Hongkong L-T-D.
Maliban sa kanila, mangunguna rin sa proyekto ang construction unit ng south Korean tech giant na Samsung.
Sa ngayon, bagaman isang malaking hamon ang naturang proyekto, tiniyak ng Spia Development Consortium na maayos nila itong pamumunuan.