Welcome sa Malakanyang ang desisyon ng Office of the Ombudsman na sibakin sa puwesto ang 45 official at personnel ng Bureau of Immigration na sangkot sa pastillas scam.
Ayon kay presidental communications secretary Martin Andanar, ipinapakita lamang ng Ombudsman ang pagiging patas ng administrasyong Duterte sa paghatol sa sinumang magkakasala.
Gayunman, hindi pa rin anya dapat maging solusyon sa korupsyon ang naging dismissal bagkus ay hindi ito dapat na maulit pa.
Napatunayang nagkasala sa kasong administratibo o grave misconduct prejudicial to the best interest of the service ang mga BI official at personnel na may multang katumbas ng isang taon nilang suweldo.
Ang pastillas scam ay isang uri ng katiwalian kung saan pinapayagan ang ilegal na pagpasok ng mga Chinese sa bansa kapalit ng pera na nakarolyo sa papel.