Walang pulitika sa pag di-display ng mural ng SAF 44 sa Coconut Palace.
Ito ang ginawang pagtitiyak ng kampo ni Vice President Jejomar Binay, kasunod ng mga puna ng kanyang mga kritiko at panawagan ng mga kaanak ng mga biktima na huwag gamitin sa pulitika ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.
Iginiit ni Joey Salgado, tagapagsalita ng Bise Presidente, kanila itong idinisplay sa Coconut Palace, upang maraming makakita dito.
Ang mural ay agad din ibabalik sa PNP Academy, kapag natapos na ang ginagawang museum para dito.
By Katrina Valle | Allan Francisco