Sinimulan na ng Commission on Elections ang paglilipat sa anim na milyong balota mula sa National Printing Office sa Quezon City patungo sa COMELEC warehouse sa Sta. Rosa, Laguna.
Ang mga nasabing balota ay kailangang i-dispose matapos ipag-utos ng Korte Suprema na isali ang pangalan ng mga kandidatong ipinagbawal ng COMELEC na tumakbo sa 2025 midterm elections.
Ayon sa poll body, aabutin ng lima hanggang anim na araw ang paglilipat sa mga nasabing balota.
Kaugnay nito, isasailalim sa paper melting ang mga balota para ma-recycle ang papel at hindi masayang.
Sa kasalukuyan, aabot na sa tatlong pallets o dalawandaang libong piraso ng balota na para sana sa Lanao del Sur at Basilan ang naisakay sa COMELEC truck, habang nasa hiwalay na truck ang mga paper trimmings. - sa panulat ni John Riz Calata