Tinawag na sarzuela o romcom ni dating PPCRV Secretary General Brother Clifford Sorita ang pag distansya ni Davao City Mayor Sara Duterte sa Pangulong Rodrigo sa isyu ng 2022 presidential election.
Sa harap na rin ito nang ginagawang pagbatikos ni Mayor Sara sa PDP Laban na partido ng ama, ang pag distansya nito sa isinusulong na Senador Bong Go at President Duterte tandem sa 2022 at pagtanggi sa Duterte-Duterte tandem.
Sinabi ni Sorita na nakikita ang camouflage o pagtatakip na ginagawa ng presidential daughter para ipakita sa publiko na magkaiba ang istilo nilang mag ama sa pamamahala subalit ang katotohanan ay magka pareho lamang sila at tutumbok din sa Duterte Duterte ang lahat ng argumento.
Naniniwala si Sorita na nais lamang timplahin ng mga Duterte kung ano ang mas katanggap tanggap na tandem configuration kaya’t hindi dapat ma-misled ang tao dahil ang katotohanan ay kabilang ang mag ama sa i isang grupo na Davao group.
Magugunitang ang Pangulong Duterte ay binabatikos sa kanilang pagtugon sa pandemya tulad nang maling paggamit ng COVID funds ng Department of Health, mabagal na vaccination drive at kawalang sistema sa COVID response samantalang si Mayor Sara ay kinukundena sa ginawang pag iikot sa mga lalawigan at konsultasyon sa mga political leaders habang patuloy ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Davao City.