Inihayag ni Philippine College of Physicians Doctor Maricar Limpin na masyadong biglaan ang pagbaba ng alert level sa bansa na naging sanhi ng pagtaas ng mga impeksyon sa Covid-19.
Aniya, kahit na i-downgrade pa ang alert level, marami pa ring tao ang pinapayagang lumabas.
Idinagdad ni Limpin na mas maraming mga bata rin ang lumalabas sa gitna ng pagluwag ng restriksyon kahit na aniya hindi pa bakunado ang mga ito laban sa Covid-19.
Matatandaang, nagpasya ang gobyerno na isailalim ang bansa sa alert level 2 mula Enero 1 hanggang 15, 2022, ngunit simula bukas, Enero 3 hanggang 15 ay ilalagay sa mas mahigpit na alert level 3 ang Metro Manila. –Sa panulat ni Airiam Sancho