Go signal na lamang ang hinihintay ng Gilas Pilipinas Women para makapagsimula na ng kanilang training camp para sa Vietnam Southeast Asian Games sa May 12 hanggang 23.
Ayon kay head coach Patrick Aquino, nagpadala na sila ng sulat sa Philippine Sports Commission upang humingi ng basbas para gumulong na ang pagsasanay nito.
Target ng Gilas Filipinas na mai-depensa ang dalawang gold medals na nahablot sila sa 2019 Sea Games kung saan kapwa namayani sa 5 on 5 at 3×3 competitions.
Tiwala si Aquino na hindi na sila o-obligahing magsagawa ng bubble type camp tulad ng kanilang counterpart na nagsasagawa ng kanilang training sa Moro Lorenzo Sports Center sa Quezon City.
Bukod sa Sea Games, naghahanda rin ang Gilas Pilipinas Women sa pagsabak sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.