Patuloy na umaasa ang mga atletang Pilipino kung kailan maipagpapatuloy ang kanilang pag-eensayo matapos ideklara ng Philippine Sports Commission (PSC) na ihinto muna ang lahat ng aktibidad matapos muling sumirit ang kaso ng COVID-19.
Ayon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez, uunti-untiin nila ang pagpapasok at pagbabalik ng training ng mga atletang Pinoy pero hindi pa sa ngayon.
Samantala, balik pag-eensayo naman ang mga boksingero at karate sa Baguio habang pinayagan naman ang mga tri-athletes at duo-athletes para sa bubble training set-up.
Inihayag naman ng PSC na ang Philsports Complex sa Pasig, Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at Teachers Camp sa Baguio ang gagawing training areas para sa mga atletang naghahanda sa sea games na gaganapin may 12 hanggang 23 at Hangzhou Asia set na gaganapin naman sa Setyembre 10 hanggang 25.