Nilinaw ni Acting Presidential Spokesman Martin Andanar na hindi otomatikong endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-endorso ng PDP-Laban–Cusi Wing sa presidential bid ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Junior.
Ayon kay Andanar, ang naturang endorsement ay desisyon ng partido pero hindi malinaw na ito ang gusto ng punong ehekutibo.
Dapat anyang hintayin na lamang ang magiging pasya ng pangulo.
Si Pangulong Duterte ang chairman ng PDP-Laban faction na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.