Kinuwestyon ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate ang pag-ere sa PTV-4 ng pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kapartido sa PDP-Laban.
Ayon kay Zarate, hindi naman private network ng Malakanyang o anumang partido ang PTV-4.
Gumagawa lamang anya ng alibi ang Palasyo dahil ginagamit nito ang pondo ng taumbayan para sa kampanya ng kanilang mga kandidato.
Magugunitang inere ng PTV-4 ang dalawang oras na PDP – Laban meeting noong Miyerkules ng hapon kung saan muling pinalutang ni Pangulong Rodrigo ang posibilidad ng kanyang pagtakbo sa pagka-bse presidente sa 2022 elections. —sa panulat Drew Nacino