Plano ng Department of Agriculture na mag export ang Pilipinas ng karneng baboy sa mga bansang apektado ng African Swine Fever.
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, matagal pa bago maka rekober ang mga bansang tinamaan ng ASF partikular ang China na main exporter ng baboy ng Pilipinas.
Samantala, bukas naman ang mga hog raiser sa planong ito ng D.A.
Ngunit hiling ni Rufina Salas, hog raiser ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, itigil muna ng tatlong buwan ang pag aangkat ng baboy sa mga high risk country.
Kaugnay nito, balak bumili ng x-ray machines ng D.A para agad ma-detect kung may mga produktong baboy sa mga bagahe ng mga pasahero na galing sa mga apektadong bansa.