Hindi pa tuluyang makukumpirma ng Department of Health (DOH) na na-flatten o tuluyan nang napabagal ng bansa ang pagkalat ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y ayon sa tagapagsalita ng DOH na si Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ani Vergeire, para masabing tuluyan nang na-flattened ang curve sa National Capital Region (NCR) at CALABARZON, dapat muna aniyang magsagaswa na kaukulang pag-aaral dito.
Paliwanag pa ni Vergeire, bagama’t kakaunti ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw, mas makabubuti pa rin aniyang ipagpatuloy ng bansa ang ginagawa nitong hakbang para tuluyan nang masugpo ang banta ng nakamamatay na virus.
Magugunitang inihayag ni Dr. Guido David ng U.P. OCTA Research Team na nagsisimula nang ma-flattened ang curve ng NCR at CALABARZON.
Samaanatala, iginiit din ng DOH na bukas ang ahensya sa lahat ng pag-aaral na ginagawa ng U.P. OCTA Research Team at ibang research hinggil sa nagpapatuloy na pandemya ng COVID-19.