Pinaalalahanan ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng pamahalaan na maging sensitibo at igalang ang paniniwala ng bawat relihiyon.
Kasunod na rin ito ng makailang ulit na pagbatikos at birada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika.
Ayon kay Robredo, may kaakibat na obligasyon ang karapatan ng mga opisyal ng pamahalaan na magpahayag ng kanilang saloobin at pumili ng sariling pananampalataya.
Kabilang aniya sa mga obligasyong ito ang tiyaking hindi ma-offend o makasakit ng damdamin at paniniwala at hindi makapag-insulto ng ibang relihiyon.
Kasabay nito, nagpahayag ng pagtutol si Robredo sa panukalang armasan ang pari at barangay officials.
Pagigiit ni Robredo, hindi pag-aarmas ang solusyon sa usapin ng mga pagpatay sa mga pari.
Dagdag ng Pangalawang Pangulo, sa ganitong paraan tila inamin ng pamahalaan na hindi epektibo ang mga programa kontra krimen dahil nananatili pa rin ang crime rate sa bansa.
—-