Pinag-aaralan ng MMDA o Metro Manila Development Authority na gumamit ng thermal cameras para sa panghuhuli nila sa mga motoristang lumalabag sa HOV o High Occupancy Vehicle lane sa EDSA.
Ayon kay MMDA Asst/General Manager for Planning Jojo Garcia, tiyak aniya sa pamamagitan ng thermal camera, makikita na ng mga traffic enforcer ang laman ngisang sasakyan kahit pa heavily tinted ito.
Maliban diyan, sinabi ni Garcia na magagamit din ang mga thermal cameras para matiyak kung sumusunod ba ang mga motorista sa HOV lane policy kahit na walang mga enforcer sa lugar.
Umaasa naman si Garcia na paglalaanan ng pondo ang nasabing proyekto subalit tumanggi na siyang magbigay ng timeline hinggil sa gagawing proseso sa pagbili ng mga naturang camera.