Walang nakikitang masama ang Commission on Elections o COMELEC sa plano ni incoming President Rodrigo Duterte.
Kaugnay ito sa paggamit ni Duterte ng kaniyang mga sumobrang pondo sa kampaniya para sa pagsugpo sa iligal na droga.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, may dalawa namang pagpipiliian ang bawat isang kumandidato sa mga hindi nagamit na pondo.
Aniya, maaari namang isoli iyon sa kung sinu-sino ang nagbigay o di kaya’y gamitin sa ibang bagay basta’t ipa-a-alam ito sa Bureau of Internal Revenue o BIR para sa tamang pagbubuwis.
Ngunit binigyang diin ni Jimenez, kailangan pa ring ideklara ni Duterte sa kaniyang Statement Of Contributions and Expenditures O SOCE ang sumobrang pondo at bayaran ang buwis kahit pa gagamitin niya itong reward money.
By: Jaymark Dagala