Walang nakikitang masama ang kasalukuyang administrasyon kung gamitin ni incoming President Rodrigo Duterte ang Government TV Station na PTV 4.
Ito’y makaraang ihayag ng kampo ni Duterte na gagamitin na lamang nito ang government owned station sa halip na humarap pa sa mga mamamahayag para sa isang press conferece.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, tiyak aniyang dadalhin ng PTV ang mga mensaheng magmumula sa President Elect lalo’t layunin nito na maghatid ng totoo, makabuluhan at tamang impormasyon sa mamamayan.
Hindi rin aniya isyu ani Coloma kung gagamitin ni Duterte ang PTV 4 kahit nakaupo pa si Pangulong Noynoy Aquino dahil paghahatid naman aniya ng balita ang layunin nito.
By: Jaymark Dagala