Malaking pagkakamali umano ang pagho-host ng Qatar ng 2022 World Cup.
Inamin ito ni dating Federation Internationale de Football Association (FIFA) President Sepp Blatter matapos umani ng batikos ang Qatar dahil sa umano’y talamak na kaso nang pang-aabuso sa karapatang pantao, tila pagsuporta sa same sex marriage at hindi magandang pagtrato sa migrant workers.
Sinabi ni Blatter na napakaliit ng Qatar para pagdausan ng football partikular na ang world cup.
Ang 86 anyos na si Blatter ang nakaupo sa FIFA nuong 2010 kung kailan ini-award sa Qatar ang hosting ng nasabing world cup.