Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-isandaan at dalawampu’t apat na anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng pilipinas sa June 12 Sa Rizal Park, Manila.
Nabatid na “Kalayaan 2022: pagsuong ng panibagong bukas” ang magiging tema sa naturang aktibidad.
Matatandaang sa mga nakalipas na mga independence day ay sa ibang mga lugar sa bansa ginunita ng punong ehekutibo ang okasyon.
Samantala, naglabas na ang palasyo ng mga panuntunan parasa mga dadalo sa aktibidad, kasama na rito ang pagsunod sa health protocols dahil pa rin sa banta ng COVID-19.