Naging matagumpay sa kabuuan ang February 25 reflection o celebration ng EDSA People Power.
Sinabi sa DWIZ ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ipinakita muli ng sambayanan ang respeto sa EDSA People Power kahit anong panig pa ang mga tao.
Bagamat nagkaroon ng kaunting girian sa pagitan ni Jim Paredes at ilang kabataan, ang mahalaga aniya ay hindi nagkasakitan.
Pakingan: Bahagi ng panayan kay Sec. Andanar sa DWIZ
By: Aileen Taliping