Simple lamang ang magiging selebrasyon ng EDSA People Power Anniversary sa February 25.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na batay sa plano, nais ng EDSA People Power Commission na gawin na lamang sa loob ng Kampo Aguinaldo gawin ang selebrasyon sa halip na sa EDSA people Power Monument.
Gayunpaman, hindi naman masabi ni Abella kung dadalo si Pangulong Duterte sa selebrasyon.
Samantala, sinabi ni dating Pangulong Fidel Ramos na naliliitan siya sa planong selebrasyon ng EDSA People Power kung saan nakagawian na niyang gawin ang kanyang “trademark jump.”
By: Avee Devierte / Aileen Taliping