Naging emosyonal ang paggunita sa unang anibersaryo ng pagkubkob ng mga teroristang Maute-ISIS sa Marawi City kahapon.
Maraming residente ang naluha habang pinagdarasal ang mga kaluluwa ng mga namatay sa limang buwang digmaan.
Bagama’t normal na ang takbo ng pamumuhay, negosyo at komersiyo sa ilang malaking bahagi ng syudad ay nananatiling hindi pa rin pinapayagan ang pagpasok ng mga residente sa loob ng tinatawag na most affected area o lugar na dumanas ng pinakamatinding pinsala sa nangyaring giyera.
Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, nagpapatuloy pa rin ang clearing operation sa lugar dahil sa dami pa rin ng nakukuhang bomba sa lugar.
—-