Tiniyak ni dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Gus Lagman na hindi maaapektuhan ng pagkaka-hack sa website ng COMELEC ang eleksyon sa Mayo.
Ayon kay Lagman, ito ay dahil malayo naman ang server ng website, at ng gagamitin ng COMELEC sa pagta – transmit ng resulta ng eleksyon.
Sinabi ni Lagman na ang mali lamang ng COMELEC ay ang paglalagay nito ng mga detalye, katulad ng address, sa kanilang website.
Bahagi ng pahayag ni dating COMELEC Commissioner Gus Lagman
Public website
Iminungkahi ni Lagman ang pagpapadala ng kopya ng election results, sa isang website na maaaring makita ng publiko.
Ayon kay Lagman, ito ay upang mabawasan ang pangamba hinggil sa pagkakaroon ng dagdag-bawas.
Sinabi ni Lagman na nagtataka din siya kung bakit tila hindi pinapansin ng COMELEC ang mga mungkahi hinggil sa seguridad ng proseso ng pagboto.
Bahagi ng pahayag ni dating COMELEC Commissioner Gus Lagman
By Katrina Valle | Karambola