Pinag-aaralan ni Health Secretary Ted Herbosa ang pagkuha ng mga hindi pa lisensyadong nursing graduates para mag trabaho sa government hospitals.
Ito ayon kay Secretary Herbosa ay para matugunan ang kakulangan ng nurses kasunod na rin nang pagta-trabaho sa ibang bansa ng maraming healthcare workers dahil sa mataas na suweldo.
Ipinabatid ni Secretary Herbosa na nakipag usap na siya sa isang opisyal ng Professional Regulation Commission para tutukan kung paano mapupunan ang halos 5,000 bakanteng nursing position sa gobyerno.
Sinabi ni Secretary Herbosa na kapag nag trabaho sa gobyerno, maaaring kumita ang nursing graduates ng P35,000- P40,000 bilang starting salary.