Nagpapatuloy pa rin ang pagtukoy sa mastermind sa likod ng pagpatay sa batikang broadcaster na si Percival Mabasa.
Sa panayam ng DWIZ, nilinaw ni Attorney Berteni Causing, legal counsel ng Percy Lapid case, na hindi pa masasabing ‘case closed’ ang kaso dahil hindi pa napaparusahan ang salarin sa likod nito.
Taliwas ito sa naung sinabi ng Philippine National Police na tapos na ang kaso kahit hindi pa natutunton ang utak sa krimen.
Plano ring sampahan ng pamilya ni Mabasa si Bureau of Correction General Erald Bantag, na isa sa 161 personalities na sinasabing binanatan ni Lapid sa kanyang programa na kinabibilangan ng ilang mga pulitiko, pulis at militar.
Sa ngayon, pag-apela ni Causing sa tatlo pang sangkot na lumitaw na para maibaba ang kaukulang parusa na ipapataw sa kanila. —mula sa panulat ni Hannah Oledan