Kinalampag ni Senador Grace Poe ang gobyerno sa makupad na pag-i-imprenta at pamamahagi ng mga national identification card na inabot ng 6 na buwan hanggang 1 taon.
Ipinanawagan na ni Poe sa pamahalaan, partikular sa Philippine Statistics Authority (PSA) na solusyonan na ang pagkaantala sa pag-iimprenta at pamamahagi ng Philsys I.D.
Napadali na rin sana ang pakikipag-transaksyon ng publiko sa pamahalaan at pribadong sektor kung nasa kanila na ang national id.
Kasabay ng patuloy na paghikayat ng gobyerno sa publiko na kumuha ng national id, iginiit ng senador na dapat namang tiyakin ng PSA ang wastong datos sa card at kung may kinakailangang baguhin ay dapat silang maging maagap.