Inaasahang ilalarga na bukas ng Commission on Elections at ng National Printing Office (NPO) ang pag i-imprenta ng mahigit 67M official ballots para sa May 9 polls.
Ito ang kinumpirma ni Comelec Spokesman James Jimenez matapos ang isang virtual walkthrough sa ballot printing.
Ayon kay Jimenez, mayroong 6 units ng makina na mag-iimprenta ng 67, 442, 714 ballots kabilang ang 1, 697, 202 para sa Overseas voting.
Magkakaroon ang mga balota ng ilang Security features kagaya ng QR codes, security at timing marks at invisible ultraviolet authentication marks.
Noong Lunes sana sisimulan ng Poll body at NPO ang pag i-imprenta ng mga balota pero iniatras ito, sa halip ay naglabas ng Final ballot ng mga National Candidate.