Sinimulan na ng Commission on Elections ang pag-imprenta sa official ballots para sa mga plebisito sa apat na local government units.
Ayon sa comelec, nitong Martes inilarga ang pag-i-imprenta ng election paraphernalia para sa plebisito sa ratipikasyon ng paglikha sa Barangay New Canaan mula sa Barangay Pag-Asa sa Alabel, Sarangani sa August 20;
Conversion ng bayan ng Calaca, Batangas bilang Component City sa September 3; ratipikasyon ng paghahati ng Maguindanao Province sa Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur sa September 17
At ratipikasyon ng pagsasama ng 28 barangay at isa pang barangay sa Ormoc City sa October 8.
Inihayag ng poll body na isinasagawa ang pag-imprenta sa National Printing Office sa Quezon City.