Minamadali na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-iisyu ng permit para sa Telecommunication Towers mula sa Local Government Units.
Ito, ayon kay DILG secretary Benhur Abalos, ay upang mapabilis ang interconnectivity.
Bagaman kinikilala ang ilang alalahanin ng mga saklaw na LGU hinggil sa aplikasyon sa pagtatayo ng mga tower, inihayag ni Abalos na kailangang suriin ng LGU ang kanilang mga rason kung balido ang mga ito.
Hinimok din ng kalihim ang Local Government Unit na magkaroon ng digitalized system sa pag-issue ng mga permit gaya ng barangay clearance at business permits.
Sa datos ng kagawaran, aabot sa 2,086 ang naka-tenggang permits sa 341 lungsod at bayan para sa mga TelCo Tower.