Hindi magpapatupad ang Home Development Mutual Fund o Pag-ibig fund ng dagdag-kontribusyon ng mga miyembro nito ngayong taon.
Tiniyak ito ng Pag-ibig sa gitna nang kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na suspendihin ang dagdag kontribusyon sa PhilHealth.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na sinuspinde ng nasabing government-owned and controlled corporation ang nakatakda sanang monthly premium hike.
Ayon sa Pag-ibig, nagpasya ang kanilang stakeholders noong 2019 na ipatupad ang contribution increase noon sanang 2021 pero ilang beses ipinagpaliban dahil sa covid-19 pandemic.
Hindi anila nagbabago ang premium rates simula pa noong 1986 habang ang kasalukyang minimum monthly contribution ng Pag-ibig members ay P200 na pinaghahatian ng employers at employees.
Samantala, tuloy ang contribution rate hike na 14 percent mula sa kasalukuyang 13% ng Social Security System ngayong taon.