Susuportahan ng Home Development Mutual Fund o Pag-ibig fund ang Pambansang Pabahay Program ng Gobyernong Marcos.
Kasunod na rin ito ng P250B na commitment ng Pag-ibig Fund sa nasabing programa na naglalayong mabigyan ng pabahay ang 6M Pilipino.
Ang nasabing alokasyon ay inaprubahan ng Pag-ibig Fund Board sa pangunguna ni Secretary Jose Rizalino Azucar ng Department of Human Settlements and Urban Development bilang suporta sa Flagship Housing Program ng Marcos Administration sa susunod na anim na taon.
Tiwala si Azucar na magtatagumpay ang nasabing programa para mabigyan ng disente at maayos na tahanan ang bawat Pilipino.
Kasabay nito, isang kasunduan ang nilagdaan ng Pag-ibig fund sa Local Government ng Bacolod City sa pamamagitan ni Mayor Albee Benitez kaugnay sa konstruksyon ng 10,000 housing units para sa informal settler families sa lungsod.
Tiniyak naman ni Pag-ibig Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta ang kanilang commitment na magbigay ng Financial at Technical Assistance sa DHSUD at sa City Government sa kung anuman ang kailanganin sa nasabing proyekto.