Maglulunsad ang Pag- ibig fund ngayong taon ng bagong loan facility na tatawaging Quick Loan .
Ipinaliwanag ni Alex Aguilar ang quick loan na kung saan isa itong mabilis na paraan para ma-access ng mga myembro ang kanilang short-term loans.
Sa pamamagitan ng mobile phones ay maaari aniyang mag-file ng loan application at sa loob lang ng isang oras ay maipapadala na sa kanilang loyalty card, cash cards, o e-wallet ang halagang inutang.
Maliban dito, maaari ring humiram ng limang libong piso hanggang labinlimang libong piso na maaaring gamitin sa emergency needs.
Kasabay nito, inaasahan din ang pag-roll out ng health and education loan program kung saan magagamit ang ipon sa pagibig para sa tuition fees o emergency medical needs. – sa panunulat ni Jeraline Doinog – sa ulat ni Gilber Perdex ( Patrol 13)