Hinikayat ng Pag-IBIG Fund ang mga miyembro nito na gamitin ang mga online service sa halip na magtungo sa mga opisina ng ahensya.
Ayon kay Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti, hindi na kailangan maghirap pang pumila ng mga miyembro para sa kanilang loan application.
Mas mainam aniya kung gagamitin ang online services dahil mas ligtas ito at convenient para sa mga miyembro.
Gayunman, nilinaw ni Moti na hindi pa rin aalisin ng Pag-IBIG ang kanilang manual transaction dahil hindi naman aniya lahat ng Pinoy ay may internet.