Nagkaloon ang Pag-IBIG Fund ng socialized home loans sa nasa mahigit 5,000 miyembro nito.
Ayon sa ahensya, 5,074 miyembro nito na nagmula sa minimum wage hanggang low-income sector ang makikinabang sa naturang loan.
Kasunod nito ay pumalo na sa kabuuang P2.2-bilyon ang inilaang pondo para sa socialized home loans sa unang bahagi pa lamang ng taong 2021.
Tinataya namang 25% ng kabuuang 20,712 loans na pinopondohan ng Pag-IBIG Fund ay kinabibilangan ng socialized home loands.
In the wake of the pandemic, Pag-IBIG Fund’s Affordable Housing Program has become the means for minimum-wage and other low-income workers to achieve their dream of homeownership,” ani Secretary Eduardo D. del Rosario, chairperson ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ang 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Sa pamamagitan ng Affordable Housing Program (AHP) ng Pag-IBIG Fund, maaaring mangutang ang mga miyembro nito ng aabot sa P580,000 upang makabili ng socialized house and lot packages, o di kaya ay hanggang sa P750,000 para naman sa mga socialized condominium units.
Ayon pa kay Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy Moti, Mayo pa ng taong 2017 nang simulan nilang i-offer sa kanilang mga miyembro ang special 3% rate sa ilalim ng AHP.
Because of our Charter, Pag-IBIG Fund can afford to offer the lowest rates for home loans of minimum and low-wage workers. And, with President Rodrigo Duterte recently signing into law the CREATE bill, the tax-exempt status of Pag-IBIG Fund has been maintained. We look forward to helping more low-income members become homeowners in the months to come,” ani Moti.