Humigit na sa P100-bilyon ang naipalabas na home loan ng Home Development Mutual Fund o PAG-IBIG Fund sa kabila ng epekto ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas nitong pahayag, kabuuan itong P100.8-bilyon na pinakamalaking halaga na naipalabas sa loob ng isang taon.
Nitong 2021, tumaas ng 58% ang halagang naipalabas ng PAG-IBIG fund na nahigitan ang naitala noong 2020 at 2019.
Good news naman ito para sa kanilang miyembro dahil mas maraming pilipino ang nagkakaroon ng sariling bahay sa gitna ng pandemya. —sa panulat ni Abby Malanday