Napanatili ng Pag-IBIG Fund ang top executive seat sa unang limang buwan ngayong taon.
Matapos tumaas ang Performing Loans Ratio (PLR) nito ng 92.53%.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Marilene Acosta, dahil sa patuloy na malakas na koleksyon ng ahensya sa pagbabayad ng home loan sa unang limang buwan.
Kung saan, nakakolekta ang ahensya ng 31.97 bilyon pesos na bayad sa home loan, na mas mataas ng 15% o P4.22 bilyon kumpara sa halagang nakolekta sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Binigyang-diin ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Acosta, na ang malakas na koleksyon at PLR ay magbibigay-daan sa ahensya na hindi lamang matugunan ang mga pangangailangan sa pautang ng mga miyembro nito, kundi pati na rin upang panatilihing mababa ang interes rates sa kabila ng umiiral na mga kondisyon sa merkado.
Dahil dito, nagpapasalamat ang ahensya sa Pag-IBIG members sa kanilang mga obligasyon sa pagbabayad sa kanilang mga pautang.