Pinarangalan ng Pag-IBIG Fund ang top employers at developers sa Mindanao.
Ito ayon sa pag-IBIG ay kasunod nang pagsisimula ng serye ng star o stakeholder accomplishment reports ng Pag-IBIG sa Davao City.
Binigyang-diin ni Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development na itinuturing ng Pag-IBIG ang 2022 bilang best performing year nito dahil sa naitalang record high na net income, membership savings, loan releases at payment collections.
Nagpasalamat si Secretary Acuzar sa partner employers at developers sa patuloy na pagsuporta sa pag ibig kayat tagumpay ang operasyon ng ahensya.
Binuo aniya nila ang Pag-IBIG star para kilalanin ang efforts ng employers and developers at patuloy na pagkakaroon ng good business relationship sa iisang misyon na mapaganda ang buhay ng bawat Pilipinong manggagawa.
Samantala, tinukoy ni Pag-IBIG fund chief executive officer Marilene Acosta ang patuloy na pagganda ng performance ng ahensya para sa unang dalawang buwan ng taon dahil sa maayos na pagpapatayo at delivery ng quality housing projects.