Iginiit ngayon ng PNP o Philippine National Police na hindi trabaho ng Public Attorney’s Office (PAO) ang pag – iimbestiga sa mga kaso ng mga kabataan na nasasangkot sa iligal na droga.
Ito ay matapos magasagawa ng sariling imbestigasyon ang PAO sa kaso nina Kian Loyd Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo ‘Kulot’ De Guzman.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, higit sa kanilang dalawa ang PNP ang may mandato na magsagawa ng scientific at forensic investigation sa mga nasabing kaso.
Ngunit paglilinaw ni Carlos, hindi nakikipag – away ang PNP sa PAO at ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.
Ulat ni Jonathan Andal
_____