Nanindigan si Department of Agriculture (DA) secretary William Dar sa mga bumabatikos ang desisyong mag-angkat ng 60,000 metriko tonelada ng galunggong.
Ayon kay Dar, ang sektor ng aquaculture ay nagbibigay ng higit sa 50% pero hindi sapat ang suplay upang mapunan ang kakulangan.
Dadag pa ng opisyal, na ang pag-iimport ng isda ay naaprubahan dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Odette sa subsector ng pangisdaan.
Samantala, binanggit din ni Dar ang pangangailangang babaan ang pangkalahatang pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin at serbisyo. —sa panulat ni Kim Gomez