Pinaninindigan ng Commission on Elections (COMELEC) ang naunang desisyon na hindi mag-imprenta ng ballot receipt para sa 2016 elections.
Nilinaw ni COMELEC Chairman Andres Bautista na hindi siya tutol sa pagbibigay ng resibo sa mga botante subalit naka-configure na aniya ang gagamiting voting machine kaya’t posibleng magkaaberya sakaling ipilit ang nasabing hakbangin.
Sinabi ni Bautista na maaaring sa susunod na eleksyon maipatupad ang pagbibigay ng ballot receipt dahil tiyak aniyang mabibigyan sila ng mas mahabang panahong paghahanda para rito.
Gayunman, ipinabatid ni Bautista na isa sa pinag-aaralan ng En Banc ang posibilidad na makita ng mga botante ang kanilang balota sa pamamagitan ng on screen verification vote.
By Judith Larino