Sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-i-imprenta ng mga balotang gagamitin sa halalan sa Mayo a–9.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, dakong ala syete kagabi nang ilarga sa National Printing Office sa Quezon City ang printing ng nasa 60,000 balota para sa local absentee voting (LAV).
Ang LAV ballots na para sa media practitioners, militar at pulisya anya ay manual kaya’t walang mga paunang na-print na pangalan ng kandidato.
Magsisimula ang LAV sa April 27 hanggang 29 o mahigit isang linggo bago ang May 9 national at local elections.
Wala namang ibinigay na rason si Jimenez kung bakit nauna ang LAV ballot kaysa sa pag-iimprenta ng mga balota para sa overseas absentee voting.
Matapos ang printing ng LAV ballot ay tsaka lamang isusunod ang manual na balota para sa overseas absentee voting na aabot sa 79,000 copies.