Muling ipinagpaliban ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsisimula ng pag-iimprenta ng mga official ballot para sa May 9, 2022 polls.
Kahapon sana ang nakatakdang pag-iimprenta pero nilinaw ni COMELEC spokesman James Jimenez na ni-reschedule ito ngayong araw dahil sa iba’t ibang technical factors.
Gayunman, tentative pa anya ngayong Huwebes ang ballot printing.
Tiniyak naman ni Jimenez na hindi maka-aapekto sa kanilang preparasyon para sa halalan ang pag-atras sa petsa ng pagsisimula nang pag-iimprenta ng mga balota.
Kabuuang 67,442,714 ballots ang iimprenta ng COMELEC at National Printing Office para sa nasabing halalan.